Ang Pag Cancel Ko Nang Order Online ay Naka Depende sa Kung Gaano Kabigat ang "Error"

Diko akalain na magiging suki din ako nang mga online shopping app na nauso noon pa. Sa totoo lang, habang ang mga tao ay enjoy na enjoy sa pag online buying, ako naman ay busy sa mga anime o korean drama, at dahil wala naman akong gaanong kailangan at saka kung may mabibilhan naman sa malapit, bakit pa mag oonline shopping diga? At saka sa totoo lang talaga, dati ay dudang duda ako sa mga online shopping app na yan ay, di ako naniniwala na legit ito.

Screenshot_2024-07-09-13-58-33-59_2abacf34316c15a12c3cebabd203d65f.jpg

Pero, nong time naman na na experience ko na din, napatunayan ko naman na legit pala siya. Dahil diyan Gold Member na din ako, parang si @lhes gold member na din, uwu. Yong subok na paggamit lang nitong shoppee ay naging permanente na nga, lol. Sa totoo lang kasi, laki din nang matitipid kapag online ka bumili. Yon ngang mga tissue na binebenta nang pagkamahal mahal sa grocery store, sa shoppee, may 1 pack kana na may lamang 8 tissue, nasa 99 PHP lang price. Diba laking tipid?

At saka, lucky us kasi wala pa naman kaming naeencounter na problem sa pag oonline shopping namin katulad nong mga nababalita sa TV, na tulad nong nag order nang laptop, bato ang dumating. Ang laking scam non, grabidad. Ito din ang rason bakit di ako nag oorder nang may nalalakiny presyo na gamit online. Takot din akonh madatnan nang bato if halimbawa bumili ako nang cellphone, lol.

IMG_20240709_173920.jpg

Anyways, sa tanong na "Ikacancel mo ba ang iyong order online kung may error ang seller?" Sa'kin, depende siguro sa kung anong uri nang error ito. Kapag naman katanggap tanggap at valid naman ang rason, syempre di ako maga cancel. Di rin naman minsan miiwasan ang magka error talaga lalo pag dating sa online shopping, so far ang naeencounter ko palang na error sa pagshoppinh online ay yong kapag walang galaw yong parcel ko kahit pa maaaga namang na ship ni seller.

Siguro naibagna nalang sa kung saan yong parcel kaya di agad na ship sa sumunod na delivery hub. Pero yon lang naman, wala nang iba. Naga cancel lang talaga ako nang order online kapag nakahanap ako nang mas mura at magandang item sa ibang shop o kaya naman kapag namali ako nang pick, halimbawa pagdating sa kulay nong item. Pero, kapag talaga sa tingin ko ay di katanggap tanggap yong "error" na yan nang seller, or yong parang sinadya pa, cacancel ko yarn. Eh ikaw ba?

20240501_143949_0000-removebg-preview.png



0
0
0.000
6 comments
avatar

Mahilig din ako mag online shopping eh, una hindi kana lalabas ng bahay, dika na mapapagod, less gastos kasi pag lumabas ka magugutom ka, mapapakain kapa ng meryenda. wala kang bitbit sa pag uwi mo at pinaka gusto ko eh tipid sa oras.

One time ko lang na experience yung may sira yung na receive ko kaya ni refund ko. bukod doon parang wala naman ako na alala na ca cancel cancel

0
0
0.000
avatar

Yong sa refund naman po diba parang hassle? Or madali din mag refund? Buti talaga diko pa nararanasan, at ayaw ko sanang maranasan pa aguy

0
0
0.000
avatar

hinde, madali lang kaso nga lang Lazada gamit ko, sa Lazada kasi may 7 days free return, state mo lang kung bakit, pag na approve ng Lazada, i rerefund yung gastos mo sa lazada wallet, tapos i transfer mo na lang sa gcash mo. yung ni return mo naman, ilalagay i se set mo lang kung kailan pwedeng kunin sa iyo ng rider.

0
0
0.000