Ang Nakakatuwang Bonding Moments ng Mag Tatay sa Pamamagitan ng Musika

IMG_20240619_165024.jpg

Favorite ko talagang manood nang short clip funny video sa facebook, minsan sa Instagram din. Nagkalat sila doon, at ang panonood ng funny video ay malaking tulong din sakin lalo kapag gusto kong pasayahin si self, i'm sure maraming makaka relate here, ohooo, san ka nanonood? Tiktok? Youtube or facebook din? Or baka sa tatlong yan eme? Yong mga video na magpapahalakhak talaga sayo ng todo, as in maluluha ka sa kakatawa, yon yong masarap panoorin eh.

May favorite vlogger din akong pinapanood na tunay namang nakakatuwang panoorin, mention ko lang si Adrian Bliss, isa sa Favorite ko yan na content creator, ang funny nang mga video nya, short pero matutuwa ka talaga. Isa pa ay si panginoon ng Kababawan, siya si "no your wrong" man na ang kulit nang mga content, hahaha. Mababaw pero, basta, hahaha. Viait nyo nalang siya, lol. Ang funny nang mga content nila, nababawasan tuloy mga negative na isipin ko sa life, lol.

Ni mention ko sila, pero hindi talaga content nila ang isi-share ko. Recently ko lang to napanood,bat ni-share ko din nga to sa timeline ko kasi, natutuwa talaga. Ako'y tuwang tuwa kasi ang ganda nila panoorin, at saka yong pag play nila together, dun talaga ako mas natuwa eh. Isama mo pa na magandang song yong pini-play nila. They are using different instrument, at yong timbre ng sound is kakaiba sa original, pero ang ganda. Click Me para mapanood at mapakinggan mo na rin.

IMG_20240619_143528.jpg

Hindi ito yong tipikal na funny video na kinakatuwaan ko, pero mga ganitong video yong isa rin sa nagpapasaya sa akin lalo at musika ang tema nila, isama na din natin yong mga instruments na ginamit na ang sarap naman talagang pakinggan. Try nyo pakinggan nang ma feel nyo yong na feel ko. Ang piniplay pala nila dito ay ang The Sound of Silence. Isa sa paborito kong kanta ito, mapa original man or yong version ng Disturbed. Parehas naman kasing maganda, tapos dumagdag pa ito. Na kahit walang kanta, mafi-feel mo pa rin yong kanta.

Habang pinapakinggan ko to nong nakaraan, diko mapigilan na ngumiti nalang. Hindi lang kasi talaga sa kanta ako naka focus, kundi sa mismong moment na yan. Yong moment nilang mag ama, at through playing together, para silang nagcocommunicate ba. And napakaganda talaga ng bonding moment nilang dalawa. Ang saya kayang lumaki na very close ka sa Tatay mo, at syempre sa Nanay din, ehe.

Yon lang, bye bye!

IMG_20240619_165340.png

20240501_143949_0000-removebg-preview.png



0
0
0.000
3 comments
avatar

Panginoon ng kakababawan supremacy haha Fonz din minsan o kaya Davao Conyo. Yung video pinakinggan ko di ko feels lol.

0
0
0.000
avatar

Yes, isa pa yan si Davao Conyo, bet ko din yan hahaha.

Why o whyyyy, ang ganda kayaaa hahaha. Ipipilit ko talaga, lolol

0
0
0.000
avatar

Congratulations @ruffatotmeee! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You distributed more than 26000 upvotes.
Your next target is to reach 27000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

0
0
0.000