Okay ba na ma approve ang Divorce sa Pilipinas?
Okay ba na ma approve ang Divorce? Kung sakali bang ma approve ito ay ganun ba kadali ang proseso na mag fa file ka lang at OK na o parang annulment din na gagastos ka ng malaki?
Photo by Hutomo Abrianto on Unsplash
Base sa simpleng Research ko, if nag file ka ng Divorce sa Estados Unidos ay gagastos ka padin from $1,400 to $5000 na nag kakahalaga ng ₱80,000 - ₱300,000 pesos if uncontested. If kinontest ito ng asawa mo ay lagpas pa dito ang aabutin mong gastos sa pag fa file pa lang.
Maari din itong abutin ng ilang buwan hangang isang taon depende sa kaso.
Meron pang Alimony iyan na dagdag gastos sayo at Child Support na dagdag gastos sa bulsa natin.
Ayaw ni God ng Divorce, kaya lang na isabatas ang Divorce noong unang panahon ay dahil matitigas ang mga puso nating mga tao. Ayaw nating mag patawad at yung partner naman natin ay ayaw magbago.
Hindi din naman siguro nais ng Panginoon na makisama ka sa maling tao lalo na kung ginugulpi ka na nito at ina abuso.
Matthew 19:7-8
"Sila'y nangagsabi sa kaniya, Bakit nga iniutos ni Moises na magbigay ng isang sulat ng pagputol, at talikuran siya? Sinabi niya sa kanila, Dahil sa inyong katigasan ng puso ay iniutos sa inyo ni Moises ang magtalikod sa inyong asawa: datapuwa't sa pasimula ay hindi ganito."
Kaya lang, dahil hindi tayo nagabayan ng mga magulang natin sa tamang pag pili ng mapapangasawa, ang ilan sa atin ay minalas na maka kuha ng mga maling tao.
Pilipinas na lang yata at Vatican ang walang diborsyo.
Para sa akin, OK ang Diborsyo pero kailangan ng magandang sistema kung sakaling ipapatupad ito.
Hindi ito dapat maging sandata ng sinuman para sa kapartner nila. Pwede kasing gamitin ito sa masama.
Dapat din ay may departamento na aalalay at gagabay sa mga nag didiborsyo para hindi na sila makapili ng maling tao sa muli nilang pag papakasal.
Kasi kung ma aprubahan man ito, baka gamitin lang ng tao para sa makasariling intensyon nila at hindi naman dahil sa gusto nilang maitama yung naging pagpili nila ng kapareha sa buhay.
Sana kung ma ipatupad man ang Diborsyo sa Pilipinas ay bawat mamamayan ay may isang tsansa lang na gamitin ito.
Kung isa ka sa mga taong hiwalay sa asawa at may anak ka, gabayan mo ang anak mo habang maaga tungkol sa mga pagkakamaling nagawa mo sa pag pili ng asawa, ng sa ganon ay maligtas sila sa problema ng pagkaka kulong sa isang malungkot na relasyon.
Nabanggit mo ang pagkakaroon ng sistema ng diborsyo.
Sana sa sistemang iyon ay isama ang dagdag na "counselling" bago ang pagpapakasal. Bagama't sa ngayon ay may "pre-marriage counselling" bago ibigay ang lisensya ng pagpapakasal, sa aking opinyon, ito ay kulang. Masyado itong panlahat at hindi lahat ay naaayon sa sitwasyon ng mag-nobyo bagaman hindi natin sinisisi ang pamahalaan sapagkat dapat sana bago magpakasal ay handa na sa responsibilidad ng kasal at pagpapamilya ang mag-nobyo. Ngunit sana, tulungan ng pamahalaan na imulat sa mag-nobyo ang mga responsibilidad na ito nang sa gayon ay kanilang matantya kung talagang sila ay handang-handa na sa pagpapakasal.
P.S. Trying hard lang akong managalog. Paumanhin po✌🏼
Tama ka dyan, halos walang marriage counselling na nagaganap. Ang totoo, wala dapat Nobyo at Nobya stage eh, dyan kasi nag kakadisgrasyahan. Dapat dating stage lang at pag sure sila na tama yung napili nila at handa na sila sa buhay may asawa, kasal na ang sunod.
Mahabang debate yan at malaking pumas unless iMerge nila ang Annulment process. Wag na Kasi magpakasal kundi mo mapanundigan Ang buhay mayAsawa. Alam mo bang sa survey mas maraming lalake ang ayaw sa Divorce Bill? Why? Dahil kung maraming napundar na ariarian tiyak na paghahatian. Siempre pa mas maraming nailagak na kadatungan si Guy kaysa Kay girl. Yung iBang girl nmn na single. Walang paki sa Bill. 😊 Kaya Ako Never Been Married (I got 2 kids) dahil ayaw ko ng magulong buhay mayAsawa at ang Kawawa ay ang MGA anak at ayaw kong may pinaghahatian na ari-arian. At Ang pinakadahilan for my being single. Walang lalakeng nakakatagal sa ugali ko..Maldita DAW Ako...hahaha.
Kaya madaming live in ngayon eh, natatakot sila mag commit pero para sa akin importante yang kasal, proteksyon kasi yan na maibibigay natin sa mga kapartner natin saka sa mga anak natin.
@tpkidkai may bago ka nang topic. " Sa panahon ngayon importante ba ang kasal?" 😁
Importante ang kasal kaya dapat responsable ang dalawang taong magdesisyong magpakasal. Hindi Yan birong obligasyon sa bawat isa at sa mga maguging anak.
Oo, Yan Ang susunod na topic. Daming magkocomment Nyan! 😊
Ako man din ay pabor sa divorce - sympre yung post ko dun ko nalang i explain ang side ko hahaha pang gatas kay Hive lol.
!MEME
Credit: orionvk
Earn Crypto for your Memes @ HiveMe.me!