Ano ang katangap tangap na gender Reveal?

image.png

Image generated by Bing Image Creator

Sino ba ang nag pa uso ng gender reveal at halos lahat na lang yata ng nabubuntis ay gustong gawin ito.

Ano ba ang katangap tangap na gender reveal? yung hindi naman over preparation at sobra sa gastos
Pero teka, ano ba ang gender reveal? ito ba ay yung i re reveal mo sa prents mo na hindi ka isang adan kundi isa kang eva? hahaha!!! Joke lang.

Ang gender reveal ay isang occasion or celebration kung saan i re reveal sa mag asawa ang gender ng kanilang baby. Hindi din nila alam kung ano ang gender ng baby nila, ginagawa ito sa paraan na ibibigay mo sa mag gegender reveal ang sealed envelope kung saan nakalagay ang gender ng baby mo.

Base sa research na ginawa ko ay pinasikat ito ng isang blogger noong 2008, hindi sya ang unag gumawa nito pero sa kanya nag simula ang trend ng pag re reveal ng gender ng baby.

Paano ba ginagawa itong Gender Reveal na ito?

image.png
Image generated by Bing Image Creator

ibibigay mo sa mag gegender reveal ang sealed envelope kung saan nakalagay ang gender ng baby mo. kung cake ang gender reveal mo ay ibibigay mo ito sa baker na gagawa ng cake at ang gagawin ng gagawa ng cake ay ibabase nya sa gender ng baby ang kulay sa loob ng cake. Kung rosas ang kulay ng cake sa loob ay babae ito at kung asul naman ay lalaki.

Hindi lang cake ang gender reveal, madaming style na lumabas ngayon ng pag re revealng gender, merong cake reveal, merong baloon reveal kung saan nakatago ang mga baloons sa loob ng box, confetti reveal, pinata reveal at madami pang mga bagong sumusulpot na paraan para mag gender reveal.

Kung ang pag uusapan ay kung ano ang pina ka mura, maaring ang baloon reveal na ang pina ka mura, tapos dyan ay ang cake reveal.

Pero sa lahat, ang pinaka alam kong common ay ang cake reveal. ito din ang pinaka madaling gawin dahil ibibigay mo lang sa baker ang result, unlike sa ibang types ng reveal na kailangan mo pa ng kailalang tao o kaibigan na mag aasikaso nito sayo dahil bihira ang nag seserbisyo ng gagawa ng baloon at ilalagay sa box para sayo.

baka meron nang mga online services na ganun kung masipag kang maghanap.


Ang totoo, hindi ko alam kung bakit kailangang gawin ito, para sa akin ay walang katangap tangap na gender reveal, isa lang ang dahilan ko, dagdag gastos ito na hindi naman importante dahil una, kung nag papa checkup ka naman malalaman mo din ang gender ng anak mo buksan mo lang ang envelope. bakit kailangan pa anting gumastos para malaman ang laman ng envelope? ganun ba kahirapbuksan yun? hahaha!!
kung hindi mo naman nalaman sa ultrasound ang gender ng anak mo ay lalabas at lalabas din naman ang anak mo at malalaman mo din ang gender.

image.png
Image generated by Bing Image Creator

Siguro sasabihin ng iba na para mapaghandaan ang gamit ng bata. pwede yan kung ipag papagawa mo sya ng kwarto na gusto mo pa ay naka theme sa gender.

Pero kung ang dahilan mo ay dahil bibili ka ng damit na base sa gender or crib or kung anu pa man ay wag na. paglabas ng babay mo, puti ang dapat gamit nyan kase para makita mo kung may dumi sa higaan, insektong maliit at kung anu ano pa. may time kapa para bumili ng gusto mong kulay next month kaya wag kang mag madali.

Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, para na lang sa may pera na pwedeng sunugin ang gender reveal.

Noong bata nga ako tinatawag akong maganda ng mga tao pag kasama ko ang nanay ko pero ni hindi ni reveal ng nanay ko na lalaki ako dahil wala syang anak na babae. bobcut kasi ang hair style ko noong 4 years old ako. hahaha!!!

Pero sa huli, opinyon ko lang ito, anak nyo yan at pera nyo yang gagastusin nyo, kaya huwag nyo akong pakingan. hahaha!!!



0
0
0.000
3 comments
avatar

Congratulations @lolodens! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 8000 upvotes.
Your next target is to reach 9000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

0
0
0.000